Friday, October 10, 2008

*TAGALOG LOVE QUOTES*

001 dito lang ako lalo na kapag kailangan mo ako.. at kahit sabihin ng panahong iwan na kita, promise hinde.. hangga’t di mo sinasabi na, "o bakit nandiyan ka pa? DI NA KITA KAILANGAN.."

002 hindi kita nakikita pero okay lang.. hindi kita nakakausap pero okay pa rin.. masaya ko kahit wala ka sa tabi ko, pero gusto kong malaman mo na.. kulang ang buhay ko kahit okay ako!

003 minsan gusto kitang sigawan at sigawan at sabihing "ang manhid mo!" kaso baka isumbat mong " e di ba friends lang tayo?" sino nga naman ako, isang taong hanga lang sa iyo.. mahal kita kahit wala lang ako sa iyo!

004 kapag nagmahal ka, asahan mong luluha ka.. pero dapat alam mo kung kailan ka titigil.. kasi baka habang lumuluha ka, siya nagpapakasaya na kasi alam niyang may isang taong nagpapakatanga na sa kanya!

005 di madaling maghintay.. di rin biro magmahal.. minsan akala mo "ok na", minsan akala mo "siya na" pero mamamalayan mo na lang na dumaan lang pala siya sa buhay mo para "turuan ka"..

006 aaminin ko sa iyo, nung nakilala kita may mahal akong iba.. tulad mo, di rin siya maalis sa isip ko.. pero huwag mong isipin na minahal kita para makalimutan siya kundi, kinalimutan ko siya para mahalin ka..

007 ang puso kapag nagmahal, makulit.. kahit hindi puwede, pilit nang pilit.. di matuto kahit masakit.. di nagsasawa kahit paulit-ulit.. kaya kung nakukulitan ka na sa akin, huwag mo akong sumbatan.. sisihin mo ang puso ko, sobrang mahal ka niyan..

008 alam ko maraming nagmamahal sa iyo.. mawala man ako, hindi hihinto ang mundo mo.. pero sana alam mong kapag nawala ka sa mundo ko, di ko na alam kung paano ulit paiikutin ito..

009 minsan na ako nagmahal.. minsan ding nasaktan.. minsan ng naging tanga dahil minsan minahal kita.. papayagan ko ba maulit? bakit hinde? eh minsan lang ako naging masaya.. NUNG NAKILALA KITA..

010 pinipilit kong kalimutan ka.. gusto kong malaman mong kaya kong mabuhay kahit wala ka.. lagi kong sinasabing mas masaya ako sa kanya pero bakit ganun, habang tumatagal mas lalo pa kitang minamahal?

011 bakit ganun.. kapag kumanan ako, umaasa lang ako.. kapag kumaliwa ako, nasasaktan lang ako.. paatras na ako nang maisip kong ikaw pa rin ang mahal ko.. kaya dumiretso pa rin ako.. isa lang ba talaga ang direksyon ng buhay ko? laging pabalik at papunta sa iyo??

012 dumating sa punto ng buhay ko na akala ko gusto mo ko. may nakita kasi akong mga dahilan para mahulog sa iyo. tapos nalaman kong ganun ka din pala sa iba. mabait ka lang talaga, akala ko gusto mo ko!

013 mahirap magalit ng walang dahilan.. mahirap umintindi ng di mo maintindihan.. mahirap masaktan ng walang karapatan.. pero di ba, mas mahirap magmahal sa taong wala man lang pakialam?

014 nangyari na ba sa iyo na minsan iyak ka ng iyak dahil sa isang taong mahal mo.. dahil sinaktan ka niya at nagmukha kang tanga.. ang sakit-sakit tapos maiinis ka na lang dahil isang paramdam lang niya, NAPATAWAD MO NA SIYA..

015 minsan gusto kong tumakbo, malayung-malayo sa iyo.. baka sakaling makalimutan kita.. kaya lang sa pagtakbo ko, dala ko pa rin ang puso ko na walang ibang laman kundi.. alaala mo!

016 magsawa ka man sa akin dito pa ren ako…magalit ka man sa akin, antay pa ren ako sa iyo…kalimutan mo man ako, ikaw pa rin iang nasa isip ko…dahil magbago man ang takbo ng mundo, mundo ko’y…iikot lang sa iyo…

017 may nagtanong sa akin kung sinong mahal ko, nakita kita…tumahimik ako, pumikit, ngumiti at tinuro kita… "siya yun, siya pa rin, siya lang at wala ng iba…"

018 noon, lagi mo akong pinagtatanggol.. lagi kang nandiyan para sa akin.. sabi mo pa nga mahalaga ako sa iyo.. ngayon, nakakilala ka na ng iba.. tinanong kita kung luvs mo pa ko.. sabi mo, "iba noon, iba na ngayon!"

019 sabi nila, parang saranggola ang taong mahalaga sa iyo.. gaano man siya kalayo, may tali pa ring mag-uugnay sa inyo.. hangga’t hind mo ito binibitawan, di siya mawawala sa iyo kailanman..

020 sa pag-ibig, kahit masaktan ka o lumuha pa, ang mahalaga marunong kang magmahal nang tapat at di ka takot masaktan.. dahil ang tapat magmahal ay may katapat na, TUNAY NA PAGMAMAHAL..

021 minsan kailangang maghiwalay para magkasubukan.. minsan kailangang masaktan para may matutunan.. at minsan kailangan mong mag-isa para malaman mo kung siya na nga ba o kung may darating pa..

022 matatago mo ang sakit.. mapapaniwala mo ang iba na kaya mo.. pero di mo maitatago sa sarili mo na yung taong nang-iwan at nanakit sa iyo ay ang taong tinitibok pa rin ng puso mo..

023 ganun pala yun noh.. mahirap kapag wala ka.. malungkot kapag wala ka.. ikaw kasi eh, pinabayaan mong mahulog ako sa iyo nang ganito.. ngayon hirap ako kasi di ko na kayang wala ka sa tabi ko.. MAHAL NA KITA! alam mo ba yun?

024 kapag na-mimiss kita, dumadating yung oras na nalulungkot ako dahil di kita nakikita.. nakakasama.. mahawakan.. mayakap.. makausap.. pero kahit ganun, masaya pa rin ako.. dahil kapag na-mimiss kita, lalo kang napapamahal sa akin!

025 kapag di mo na ako kayang mahalin, huwag na huwag kang magsasalita.. basta, iwan mo na lang ako.. kakayanin ko yun promise.. kaysa namang magpaalam ka pa.. baka.. pigilan lang kita!

026 di ko man masabi kung gaano ka kahalaga.. di ko man maiparamdam na importante ka.. di ko man magawang tulungan ka palagi.. pero sa gabi tuwing pagtulog ko, pinagdarasal kong sana may magawa ako para sumaya ka kahit wala ako..

027 kapag nagmahal ka, gamitin ang puso, huwag ang isip. hayaan mo ng sabihan ka nilang tanga.. basta huwag ka lang magising isang araw at sabihin sa sarili mo na, " di pala ako nagmahal, nag-isip lang ako.."

028 bakit ang hirap maging masaya kapag nagmahal ka? kahit halos nabigay mo na ang lahat, kulang pa rin para masabi mong okay na.. ganun ba talaga magmahal? o ganun lang talaga magpakatanga sa taong akala mong mahal ka?

029 ah siguro, akala ko okay lng sa aking may mahal kang iba…tapos isang araw nakita kitang masaya sa piling niya…wala na akong nagawa…kundi umupo na lang sa isa ng sulok at dun umiyak…"t*ngina, di ko pla kya…"

030 sana di na lang kita nakilala, masaya naman ako noon eh…kahit nung wla ka pa! di tulad ngayon, pinahihirapan mo lang ako…alam kong di mo sinasadyang makilala ako…ako rin eh, di ko sinasadyang mahalin ka…

031 kapag magulo ang mundo mo, kapag iniwan ka ng mahal mo at walang nkaikinig sa iyo, sana lapitan mo ako…at di ako magdadalawang-isip na sabihing "tara, samahan kita…iwanan natin ang mundo"

032 alam kong darating ang panahong malilimutan mo na ko…sino ba naman ako di ba?! isang pampagulo sa masaya mong buhay…pero tandaan mo di kta malilimutan dahil…ikaw yung…pampasaya sa magulo kong mundo!

033 na-feel mo na ba na akala mo forget mo na siya? wala na, tapos ng lahat…tapos one day nagkita kayo…ngumiti sa iyo…at nasabi mo na lng na… "t*ng ina, mahal ko pa siya"

034 kailan mo ba malalaman na mahal kita? kapag wala na ako? kapag wala kang matakbuhan? siguro! pero sana naman malaman mo kasi hirap na ko eh…pagod na akong iparamdam sa iyong mahal kita…MANHID KA BAH TLGA?

035 may nagmamahal sa iyo, di mo naman gusto.. yung gusto mong mahalin ka, may mahal ng iba…pero ano ba talaga ang mas mahirap?! ang pag-aralang mahalin ang taong di mo gusto o umasang mamahalin ka ng taong mhal mo??

036 kung gugustuhin natin, siguro magkakasama tayo ngayon…sabi nga nila, lahat daw ng bagay pwede kung gugustuhin…kaya lang, di lahat ng "pwede" ay "dapat"! prang tayong dalawa…puwede pero di dapat…

037 alam mo ba na sa tuwing maiisip kong malungkot siya, gusto ko siyang lapitan, yakapin nang sobrang higpit at sabihing "nandito lang ako" kaso hindi ko magawa kasi ang alam ko, "di naman ako ang kailangan niya.."

038 sabi nila, di na kailangan tumingin sa malayo para makita ang soulmate natin pero, tumingin ka ng mabuti ha? baka kasi.. iba ang makita mo.. akala mo "siya" na.. yun pala, natatakpan lang "niya"..

039 minsan may bumatok sa akin, sabay sabi: "matauhan ka na nga! hindi ka niya mahal at hindi na mamahalin pa!" nasabi ko na lang: "hindi naman ako umaasa.. MAHAL KO LANG TALAGA"

040 SAD: Nung dumating siya, sabi ko sa kaibigan ko.. "mahal ko yan!" tapos tinanong niya ko.. "eh bakit mo pinakawalan?" sabi ko, "kung naging kami ba, ba’t ko pakakawalan?" =(

041 badtrip kapag ang crush mo ay close friend mo.. di mo alam kung paano itatago.. dedma kapag nangungulit.. wala lang kapag lumalapit.. pero minsan kapag naglalambing, kulang na lang ay gusto mong sabihing, "tama na pwede ba?! na-iinlove na ko sa yo!"

042 love? parang BASKETBALL.. jumpball sa simula.. time-out kapag pagod na.. foul kapag nasasaktan ka na.. pero may mas masakit pa dun.. ung GAME OVER na nga.. at tapos na.. TALO ka pa!

043 sabi nila masakit kapag di ka nakikita ng mahal mo dahil may iba na siyang tinitignan.. pero mas masakit palang kahit wala na siyang tinitignang iba.. di ka pa rin niya makita!

044 ang ulan bumubuhos, handa ka man o hindi.. pero sa tuwing papatak ito, may isang taong handang mabasa kasama mo.. sana alam mong nandito lang ako.. kahit sipunin tayo, dito lang ako..

045 minsan tanong ko sa sarili ko kung sino ka nga ba sa buhay ko? isang simpleng taong nakilala ko at pinasaya ako.. pero wag ka.. isang simpleng tao pero.. papa-rap-papa LOVE KO ‘TO!

046 sa dami ng napagdaanan mo, matatag ka na ba? wala na bang nagpapahina ng loob mo? wala na bang nagpapaiyak sa iyo? kung sakaling meron pa, huwag kang mag-alala.. kung di mo kaya, kakayanin natin nang magkasama!

047 di ka siguro maniniwala kung sasabihin kong "miss na kita" akala mo kasi bola lang yun.. pero may isang bagay na di mo alam tungkol sa akin.. mahilig lang ako maglambing pero hindi ako sinungaling.. =) miss na talaga kita!

048 nasanay ka na nandiyan siya.. kinukulit ka.. pinapangiti ka.. at minamahal ka.. paano kong isang araw ma-realize mo na lang na napabayaan mo na siya? kelangan pa bang mawala siya bago mo maramdamang nagkamali ka?

049 gusto kita makita kaso baka sabihin mo "huwag na".. gusto kitang makausap pero baka naman isumbat mong "saka na".. at gusto kong sabihing "mahal pa rin kita" kaso baka lalo lang ako masaktan at sabihin mong "ako hinde na!"

050 noon pa lang tanggap ko ng mawawala ka rin tulad ng iba.. pero bakit hanggang ngayon nandiyan ka pa rin? siguro hinihintay mo pa ring sabihin kong "mahal kita!" tanong ko naman, "manhid ka ba?"

(o.O)

16 comments:

Anonymous said...

sosyal...ganda...

Anonymous said...

,,huhhu,, nakakatouch namn mga qoutes dito ,, napapiyak 2loy ako pagnababasa ko 2 kasi naiisip ko ung mahal ko ,,huhuh,, sayang nga lng pero wala na kami ,,:((

jessa(heartbroken) said...

,,huhhu,, nakakatouch namn mga qoutes dito ,, napapiyak 2loy ako pagnababasa ko 2 kasi naiisip ko ung mahal ko ,,huhuh,, sayang nga lng pero wala na kami ,,:((

lalaine said...

nice nmn,,heheheheh kloka ang drama,, share kp ng mdami,, inspiring IYOIE

Anonymous said...

.grrrr..... bkt b kc binasa q p tu-:). Dammmmp it.naalala q n nmn cia..mhal n mhal..q tlga cia..naiyak aq..huhuhuhu..

Anonymous said...

Lahat ng qoutes dto may natatamaan katulad ko..hehehe...

Anonymous said...

Link exchange is nothing else but it is simply placing the
other person's web site link on your page at suitable place and other person will also do similar in favor of you.

Feel free to visit my page :: walking calorie calculator

Anonymous said...

Nice reading! Ang x nga naman tlg. Hndi makakalimutan!

Anonymous said...

maraming manhid tlga sa mundo xna matauhan na mga iba dyan..dhl hnd nauub0s mga manhid sa mundo!

Anonymous said...

Ganda.super.

Anonymous said...

qaling naman!
Sakit nun ah! Tagos tlaGa! patama eh!!

hrap ng ngmamahal ,

ok lang na maxakTan bxta andian lang cia!

Anonymous said...

I just like the valuable info you provide for your articles.
I'll bookmark your weblog and take a look at again right here frequently.

I am fairly sure I'll be told lots of new stuff proper right here!
Best of luck for the following!

My weblog: what is phen375

Anonymous said...

They then often occupy the majority of the space.

It works on the number of specific measures to clean, safeguard, fix, and optimize
the Computer. Speedy comms that handles lots of worries.


Also visit my web-site :: Blackberry Messenger On The Iphone (http://joni-fine-art.com/wtop/index.php?a=stats&u=susanne47r)

Anonymous said...

I’m not that much of a online reader to be honest but your blogs really nice,
keep it up! I'll go ahead and bookmark your site to
come back later on. Many thanks

Also visit my weblog ... ,mobile lawn mower repair Hillsboro Or,

Anonymous said...

The heart is divided into two sides, each having four chambers.
They spread their gospel of deceit into the hearts of men and women who have
shrugged off the gospel, the Savior, and the Father himself.
The NFL fans will say that their sport is superior,
but you just can't find the passion in Pro football that
there is in College Football.

my website; the maze runner online

Anonymous said...

You can get great games that involve an criminal case cheats element of
fun to his interest. An online Entertainment portal offering complete mobile applications like free downloadable mobile software, criminal case cheats makes his way through the
popular websites which provide these games.


Also visit my blog post :: Criminal case hack ios