Tuesday, September 30, 2008

HRM 1 alphabet

A-lpha
B-ravo
C-harlie
D-elta
E-cho
F-oxtrot
G-olf
H-otel
I-ndia
J-uliet
K-'lo
L-ima
M-ama
N-ancy
Oscar
P-apa
Q-uebec
R-omeo
S-ierra
T-ango
U-niform
V-ictory
W-insky
X-ray
Y-ankee
Z-ebra

Sunday, September 14, 2008

Kalikasan:Langhapin Damhin


Mga panaghoy, mga impit na sigaw
Humihingi ng tulong, ngunit walang matakbuhan
Walang mapuntahan, walang masilungan
'Pagkat kalikasan naniningil ng pautang

Alam mo ba kung ilang buhay ang kinitil
Ng flashflood sa Ormoc noong dekada '90?
Marahin hindi sapagkat ikaw ay musmos pa lang.
Ilang bahay nga ba ang natabunan sa Cherry Hills Subdivision
Nang parang bukong natapyas ang isang bundok sa Antipolo
Nakalimutan mo na ba na halos mabura sa mapa
Ang brgy. Guinsagon sa pagguho ng bundok sa Leyte

Nakatatakot, Nakahihindik, Nakakikilabot
Maraming ari-arian ang nawawasak
Maraming buhay ang nasasayang
Pangbayad sa napabayaang Kalikasan.

Kwento ng aking lola, noong bata pa siya
Masarap langhapin ang hangin,
Sariwa at masarap damhin
Madalas silang magtampisaw,
Sa ilog at batis na pwedeng pagsalaminan.
At ang mga punong nagsisilbing
Pahingahan ng mga batang pagod sa pagtatakbuhan.

Industriyalisasyon ay dumating,
Mga pabrika'y tila kabuteng nagsulputan
Mga gusali hindi nagpapigil sa pataasan,
Mga sasakyang kay gagara, humaharurot sa daan
Pag-unlad ng Pilipinas, Hindi na mapigilan

Ngunit ang kakambal ng lahat ng ito ay polusyon,
Wala na ang hangin na masarap langhapin,
Ang ilog na pwedeng pagsalaminan
Ngayon'y sing-itim ng burak sa kanal
Ang mga punong nagsisilbing kanlungan
Wala na, wala na, Wala ka nang masilungan.

Flashflood. Forestfire. Landslide.
Yelong natutunaw sa Antartica.
Global warming, nadarama na
Ang ating mundo'y unting unting umiinit
Kaya't ang klima'y papalit palit
Minsan, sobrang init
Minsan, naman napakalamig.

Bakit nagkakaganito?
Indikasyon ba ito ng pagiging moderno ng mundo
O dahil sa kapabayaan ng tao?

May magagawa ba tayo?Huli na ba ang lahat?
Hahayaan mo bang magbuwis ng buhay
Ang susunod na henerasyon dahil
Sa kapabayaan kay Inang kalikasan?

Tignan mo ang iyong sarili...
Tapon dito, tapon doon,Buga dito, buga roon.
Alam mo ba kung ilang puno ang pinuputol sa
Bawat papel na basta mo na lang itinatapon?
AT wala kang pakialam kung may kuryente
Kang nasasayang. Iniisip mo'y
Sariling kapakanan.

Huwag na nating hamunin si Inang Kalikasan
Huwag na nating hayaan maningil sa ng buhay
Ilingap natin ang ating mga mata
Buksan ang puso at isipan
Damhin at arugain ang abang kalikasan
Ito ang mundo natin. Ito ang buhay natin

Bshrm1a1-6
Mark darren ruiz